Blog Entries

5 Extra Strong Rakista Styles

 

Tayong mga rakista, nagkakaiba iba man sa mga gustong genre at style, ay nagkakasundo sa iisang tema na rock.

Kaya kung interesado kayo magbago ng look nang hindi nawawala ang astig factor, narito ang listahan ng mga extra strong rakista styles na kailangan n’yong subukan!

Punk Rock

Ilang taon na ang nakalipas nang nauso ang punk rock na pananamit, pero patuloy pa rin ang pagdevelop nito. Marami ang nahihilig sa style na ‘to dahil nagiging edgy ang mga nagsusuot nito nang hindi nangangailangan ng kung ano-ano pang bagay. Kumbaga, naipapakita pa rin ng nagsusuot ang kanyang tunay na sarili!

Ang mga kadalasang items na pasok sa punk rock ay denim o leather jacket, band buttons, Chuck Taylors o black combat boots, skinny jeans, studded belt, DIY shirts, at iba pa. Kung sa tingin niyo ay puro black lang ang maituturing na punk rock, nagkakamali kayo dahil pasok na pasok din diyan ang bright colors!

Para naman sa accessories, kasama diyan ang bowler hats at iba’t ibang klase ng hairstyle gaya ng shaved o long hair at dyed-hair.

Ang mga kilalang banda na may punk rock style ay Dead Kennedys, The Clash, Sex Pistols, Minor Threat, The Cure, My Chemical Romance, at marami pang iba.

Grunge Rock

Kilala ang grunge music scene sa mga tao na komportable at mahilig sa flannel na damit. Kung meron kang oversized plaid shirt, black hoodie, sira-sirang pantalon at sapatos, magulo na buhok, at bandana o beanie, madali mong magagawa ang grunge rock style! Para mas maging astig pa ang iyong porma, matuto kang mag-layer. The dirtier, the better!

Ang Nirvana, Alice in Chains, Pearl Jam, Hole, at Sound Garden ang iilan sa mga banda na may grunge rock style.

Metal Rock

Dahil itinuturing na intense at malakas ang metal rock dahil sa pagka-agresibo na tunog ng electric guitar, ganon din ang masasabi sa style nito. Pero ang mga nahihilig sa style na ‘to hindi naman agresibo. Agree ba kayo, mga tsong?

Kung may black jeans kayo, mapa-ripped man ‘yan, skinny, loose, o ano pang design, pasok na pasok ‘yan sa style na metal rock. Dagdagan niyo na rin ng graphic shirt, black long sleeves, boots, at accessories na may disenyo ng skull, baril, rose, o rosary para siguradong extra strong ang outfit niyo!

Ang ilan sa mga kilalang banda na may metal rock genre at style ay Metallica, Slipknot, Motorhead, Pantera, at Megadeth.

Emo Rock

Kapag sinabing emo rock, unang naiisip na kahulugan nito ay ang mga emosyonal na tao o kaya’y mga nahihilig sa “darker side of life.” Kung sa tingin mo’y kabilang ka sa grupo na ito, narito ang mga kailangan mo para magkaroon ng emo rock style.

Skinny jeans, studded belts, black na sapatos, hoodie, pin badges, at wristbands ang karaniwang makikita sa mga tao na may emo rock style. Para mas maipakita pa ang natatanging style, kadalasang hairstyle ang short hair at magulong bangs.

Ang mga sikat na bandang pasok sa emo rock ay ang Taking Back Sunday, Jimmy Eat World, Fall Out Boy, at syempre, ang My Chemical Romance.

Alternative Rock

Nagmula sa independent music underground ang alternative rock o kilala ring alt-rock. Ang mga bandang pasok sa alt-rock ay mayroong mga non-conformist attitude, kaya naman maituturing na kakaiba ang genre na ‘to.

Kung nais mo rin maging kakaiba, narito ang mga kailangan mo para sa alt-rock style. Para sa mga babae, kadalasan silang may rainbow-colored hair, buo man ‘yan or sa ibang parte lang. Ang mga sapatos naman na pasok sa style na ‘to ay ‘yung may mga makakapal na sole.

Para maipakita pa rin ang pagiging rakista, hindi dapat mawala ang studs o ano mang klase ng bling, kahit na ano pang kulay ‘yan! Ang isa pang kakaiba sa alt-rock style ay ang pagkawala ng skinny jeans dahil ang mga maluluwag na pambaba gaya ng harem pants ang pasok dito.

Lima lang ‘yan sa mga style na nababagay sa inyong mga rakista. Marami pang astig na style ang pwede n’yong pagpilian. Depende na ‘yan sa trip n’yo. Bukod sa musika, ‘wag kalimutan ang extra strong na porma at beer gaya ng Red Horse para maging ganap kayong astig!