Blog Entries

Red Horse Beer Pambansang Muziklaban XVII FAQ Sheet

 

Kung meron kayong lakas ng sipa pero di wasak gaya ng #1 extra strong beer sa Pilipinas, tara na mga tol at sumali sa natatanging rock battle sa Pilipinas, ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban XVII!

Para mabigyang linaw ang inyong mga katanungan, basahin lamang itong FAQ sheet!


1. Sino ang mga pwedeng sumali?

  • Kahit sinong banda na ang mga miyembro ay 18 hanggang 34 taong gulang.
  • Walang recording or distribution contract sa kahit na anong major recording label for the past 5 years. Pero ang mga banda na may album sa mga independent producer ay maaaring sumali.
  • Hindi pa nakakapasok sa Red Horse Beer Pambansang Muziklaban Grand Finals nitong huling limang taon.
  • Walang kamag-anak (hanggang 2nd degree of affinity and consanguinity) na empleyado ng San Miguel Brewery Inc. or ng San Miguel Corporation.
  • Pumapayag na manirahan sa Metro Manila kapag nanalo sa Pambansang Muziklaban XVII at dumalo sa lahat ng band gigs ayon sa schedule.
  • Ang mga miyembro ay hindi maaaring palitan sa buong duration ng rock battle maliban na lamang kung pumanaw o may kapansanan.
  • Sa pagsali sa kompetisyon, kailangan pumirma sa lahat ng forms/waivers deemed necessary ng San Miguel Brewery, Inc.

2. Paano sumali?

  • Para sa manual registration, maaaring kunin ang entry form sa mga third-party agency (TPA) coordinators.
  • Para sa online registration, pumunta sa website ng Red Horse Beer.

3. Ano ang mga requirement?

  • For manual registration:
    • Malinaw na record demo tape o CD/video ng (1) original composition, (1) original Red Horse Beer song composition, (1) cover song from local or foreign artists. Lagyan ng label na nakasulat ang pangalan ng banda at title ng bawat kanta. Ang total recording time ay hindi dapat lalagpas ng 15 minutes.
    • Pictures ng banda habang tumutugtog.
    • Typewritten document ng lyrics ng original composition at Red Horse Beer song composition.
    • Maghanda ng photo copy ng valid IDs with birthdate o kaya naman ay Birth Certificate ng bawat miyembro.
    • Ilagay ang entry form kasama ang iba pang requirement sa envelope na nakasulat ang pangalan ng banda. Ang bawat miyembro ng banda ay dapat din maglagay ng (12) crowns ng Red Horse Beer 500 ml, or (6) crowns ng 1000ml, or (24) crowns ng 330 ml.
    • Ipasa ito sa kahit na anong San Miguel Brewery Inc. sales offices or TPA offices.
  • For online registration:
    • Mag-upload ng video sa YouTube ng 1) original composition, (1) original Red Horse Beer song composition, (1) cover song from local or foreign artists. Ang total recording time ay hindi dapat lalagpas ng 15 minutes.
    • I-send ang mga link ng video sa online application.
    • Ilagay ang lyrics ng original composition at Red Horse Beer song composition sa word file at isama sa online application.
    • Maghanda ng xerox copy ng vaild IDs with birthdate o kaya naman ay Birth Certificate ng bawat miyembro.
    • Pagkatapos i-submit ang entry form, merong lalabas na tracking number na ipapadala rin sa Facebook account ng banda.
    • Bawat miyembro ng banda ay dapat maglagay ng (12) crowns ng Red Horse Beer 500 ml, or (6) crowns ng 1000ml, or (24) crowns ng 330 ml na ilalagay sa envelope na nakasulat ang pangalan ng banda.
    • Ipasa ito sa kahit na anong San Miguel Brewery Inc. sales offices or TPA offices.
  • Narito ang contact details kung saan maaaring ipadala ang inyong mga entry:
    • MANDALUYONG - Adspot Inc. (417 Gomezville St. Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, 725-5786)
    • OLONGAPO - Annaliza Gamboa (183 National Road Lower Kalakian, Olongapo City, 0935-658-3736)
    • CABANATUAN - Jomar Ciriaco (244 Brgy. Imbunia, Jaen Nueva Ecija, 0933-054-8660)
    • DAGUPAN - Jessie Abril (198 Pauling Minien East, Sta. Barbara, Pangasinan, 0916-286-7032)
    • PAMPANGA - Nikko Flores (108 Sta. Lutgarda Macabebe, Pampanga, 0936-266-0062)
    • CEBU - Jovelina Soco (Lola Paps Eatery front of St. Thomas Montessori, Linao Talisay, Cebu City, 0915-433-4846)
    • DAVAO - Philip Lomarda (934 Jacinto Ext. Davao City, 0939-888-9999)

4. Paano ang Live Auditions?

  • Magkakaroon ng mga live audition sa iba’t ibang bar nationwide. Check lamang ang Facebook, Twitter, at Instagram account ng Red Horse Beer para malaman ang schedule.
  • Kapag nakapili na ng schedule, magregister through the TPA.

5. Paano pipiliin ang mga pasok sa elimination rounds?

  • Ang mga ipinasang CD at video ay huhusgahan para malaman ang mga pasok sa eliminations sa bawat area.
  • Ang mga qualifying bands ay tatawagan sa ibinigay nilang contact details. Magkakaroon din ng listahan sa website ng Red Horse Beer.
  • Maglalaban laban ang mga pasok na banda sa elimination rounds sa kanilang area at ang mga mananalo ay tutuloy sa semi-finals.
  • Ang mananalo sa semi-finals ang magiging Area Champion at tutuloy sa grand finals.

6. Ano ang mga mapapalanunan?

  • Ang mga area champion sa GMA, Central Luzon, Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ay mag-uuwi ng P15,000 tax free.
  • Ang hihirangin na grand champion ay magkakaroon ng P500,000 tax free.
  • Magkakaroon din ng P300,000 na band start-up support ang grand champion para sa magiging supplier nila sa music video o album production.
  • Meron pang P200,000 worth ng gigs ang grand champion para sa endorsement contract ng Pambansang Muziklaban.

7. Paano makakanood ng Pambansang Muziklaban XVII?

  • Ang mga male at female na 18 years old and above lamang ang maaaring makanood ng kompetisyon.
  • Kailangang bumili ng ticket para makapasok at ang ticket prices ay maaaring magbago depende sa venue.

Ano mga rakista? Handa na ba kayong makipagrakrakan?
Laban ka? SALI NA!