Blog Entries

Roadies: Ang Tunay na Bayani ng Musika

 

Sa bawat gig na napapanood natin, hindi napapansin na mayroon mga ilang tao na ang rason kung bakit nagiging malupit at maayos ang isang show.

Mula set-up hanggang sa pagaayos ng mga kabuluhan sa kalagitnaan ng gigs, ang mga dakilang roadies ang tunay na bayani ng musika.

Maputulan man ng string o mawalan ng tunog andun sila hanggang sa pag protekta ng musikero sa kaguluhan. Ang pagiging roadie ay isang marangal na trabaho na resulta ng tunay na pagmamahal sa musika.

Para sa mga hindi alam kung ano ang ginagawa ng mga roadies. Ito ay ilan sa mga kwento mula sa mga tumutulong sa iba’t ibang banda.

Naglalaro sila sa anino ng mga musikero upang mas mabigyan liwanag at halaga ang baway tugtog para sa mga manonood.

Joey Valdez, Greyhoundz

Pag may gig una palagi ung security nila syempre at pag lalagyan ng gamit, pangalawa ayusin yung mga instrument ng banda, itono at linisan. Pangatlo pag tugtog na ng banda, kailangan maayos lahat ng tunog nila sa monitors para naririnig nila ang isa’t isa. Napunta ako dito dahil kay kuya Bok (Valdez, na roadie rin ng Greyhoundz). Nagstart ako maging roadie nung 2009 sa Brigada. Napili ko maging roadie dahil sa pagmamahal ko sa iba’t ibang klase ng musika.

Ang pinaka memorable experience ko yung nag Dubai kasama ang SlapQuesoHoundz. Tapos pag kainan, syempre. Paborito kong parte ng trabaho yung mga nakakasama ko yung mga iniidolo ko sa industriya na dati ko lang pinapanood at naririnig sa radio, hindi ko akalain na magiging kaibigan ko sila, lalo na yung Greyhoundz.

Malungkot ako kapag alam mong hindi satisfied ang banda sa naging tunog nila. Kaya next gig kailangan mo galingan para maging maayos yung tunog kahit na alam mong panget yung gamit.

Isa sa mga natutunan ko dito ay dapat maging mapagkumbaba at mapagmahal din sa mga fans na lagging nakakasalamuha at nakikita sa gigs.

Gudo De Castro, Slapshock

Hinahanda ko gamit nila mula sa string, hanggang sa pedal na gagamitin. Hindi natatapos trabaho ko pag tapos na sila tumugtog, natatapos yon kapag nailapag ko na sa dapat na lagayan yung mga gamit nila. I treat their instruments with care like it was mine.

I started working as a roadie ng June 16, 2012. Di ko makakalimutan yon kasi yun yung unang gig ko na iniwan akong mag isa ni Kevin (Arnedo, Road Manager Slapshock). First time kong sumalang sa eksena as tech, tapos Slapshock agad. Challenge para sa akin pero madali ko naintindihan yung work since nagbabanda ako dati.

Napili ko itong trabaho kasi nakatadhana sya at nagkaroon ng way para magkatotoo. First cut is deepest for me, first gig yung pinakamemorable para sa akin. Masaya na makilala ang ibang tao sa eksena.

Learning in this job is a neverending process, madami ako natunan at gusto pa matutunan. Mula sa drum tech hanggang guitar tech napagdaanan ko. Kinuha din ako ng iba’t ibang banda – VOC, INK, Philia, Mr. Bones, Typecast, Chicosci, Barbie Almalbis, marami pang iba from pop to metal mga nakatrabaho ko. Iba’t ibang banda, iba’t ibang set-up na gusto, yung pwede sa isa, hindi pwede sa isa. Yun yung challenge kasi kailangan mong mag adapt. Ang pinakamalungkot para sa akin ay yung tapos na yung gig at uwian na. Nadidismaya at nachchallenge lang talaga ako pag panget ang gamit. Yung tipong “imbensyon” na mga gamit.

Paborito ko yung mag sisiumula na ako sumampa sa stage at umpisahan ang “work”. If the band sounds good, credits yon, if panget kahit maganda gamit, sablay yon. Masaya akong masaya ang band member na tumutugtog pag dismayado sila ganon din ako. Mapaptanong ka sa sarili mo, “Saan ako sumablay?” Pero one things’ for sure, I take pride in the things I do kahit di ako tumutugtog parang ako na rin yung nasa stage.

Jude Bagsao, Up Dharma Down

Galing ako sa Greyhoundz bago napunta sa UDD habang nag roadie rin ako sa bandang PULSO. Almost 2 years na ako nasa UDD, almost 9 years naman sa pagiging freelance roadie sa mga bandang Top Junk, Session Road, Brisom at iba pa. Napili ko itong trabaho dahil masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong nakakatulong sa mga artists at musicians na makatugtog at makaperform ng maayos sa stage.

Pinakamemorable sa akin yung kasama ko yung UDD sa Las Piñas. Kasi yun yung unang beses ko makapag roadie sa UDD. Masaya rin yung gig nila sa Boracay kasi nakapagbakasyon kami kahit papaano. Ang naalala ko lang na malungkot ay yung isang event na bumagyo at malakas ulan, basang-basa yung stage at lahat ng gamit. Dahil sa nangyari hindi nakatugtog yung banda, si Armi nalang kumanta ng 2 songs.

Challenge sa trabaho yung mga gamit sa venue lalo na kapag bar gigs at out of town gigs. Buti nalang may technical rider ang UDD kahit paano nagagawan ng paraan ng team namin sa soundcheck palang.

Marami akong natutunan sa UDD, natutunan ko paano mahalin ang trabaho, natutunan ko maging masaya habang nagttrabaho. Natuto din ako gumamit ng synthesizers, gumamit ng console ng lights, mag mix ng tunog dahil sa sound engineer namin na si Sho Hikino.

Paborito kong parte ng trabaho ay pag soundcheck kasi kapag good na lahat, less na ang concerns during set.

Randy De La Paz, WilaBaliW, Queso

Ako yung naka assign mag set-up ng drums (Jesso Montejo, WilaBaliW, LA Dacuya – Queso, Robert Dela Cruz, Skychurch) at ng vocal effects ni Ian Tayao pag Queso gigs. I started ng pagnood lang sa mga gigs, asawa ng sister ko si Robert Dela Cruz. Nung mag boyfriend palang sila binubuo na yung WilaBaliW noon, kinausap ako ni Ian na kailangan nila ng manpower. Sinabi ko naman na wala akong idea sa mga gagawin at magiging trabaho ko. Sagot nya na matututunan ko naman yon. So si Robert and Ian ang reason kung bakit ako napunta sa eksena. Mag ten years na ako next year.

Hindi ko pinili itong trabaho, napili lang ako siguro. Hindi naman ako marunong mag play ng kahit anong instrument. Masasabi ko na pinili koi to nung time na may mga job opportunities sa akin abroad. Mag seaman sana ako. Dun ko masasabi na pinili ko dahil hindi ko iniwan itong trabaho.

Memorable sa akin yung nasa Davao kami pero ang gig namin ay sa Cotabato pa. Nagtravel kami ng 4 hours by land. Yung speed ng pick-up na sinakyan namin mga 120kph. Nung mismong event sa Cotabato, may mga sundalong naka M16 mga nagbabantay sa amin noon. Masaya at secured kami.

Dapat every gig kailangan i-enjoy, magrereflect kasi yan sa mga kasama mo kapag bad vibes ka. Yung malungkot lang na nangyari is nung first time na tugtugin ng WilaBaliW yung “Too many lines” sa Pampanga pero di natuloy dahil pumutok yung poste na malapit sa venue. Blackout! Nadukutan ako sa gig, nawalan ako ng cellphone, nahuli ko yung kamay ng mandurukot pero hindi ko na naintindi kasi tumutugtog na yung Queso. Naupakan din pala ako nung napagkamalan akong kaaway ng isang frat sa isang gig, wala akong nagawa kasi bitbit ko yung vocal effects ni Ian at hindi ko pwede bitawan.

Ang mindset ko kailangan protektahan sila at kailangan good mood sila para mag set nila masaya lahat. Natutunan ko magkaroon ng mahabang pasensya lalo na may mga fans din na kinakaya kung minsan nasasaktan na din kami kapag pinoprotektahan namin yung banda.

Favorite part of my job is to travel and meet people. Yung mga nakikita mo lang sat v / internet mararanasan mo na. Yung foodtrip at lalo na ang pagtrato ng bawat isa sa grupo na parang pamilya talaga. Yan ang paborito ko.

Ramon Mager, WilaBaliW

Ako yung taga kamada ng mga gamit sa tsikot, driver, middle man, coordinator sa production and set-up ng mga gamit sa stage. Naimbitahan ako nung nag lay low yung sarili kong banda that time. 4 years na din mula nung mag umpisa ako. Sa tingin ko mas malalim pa ang kaalaman ko sa loob ng sistema ng tugtugan. Totoo nga na masmarami kang matututunan sa baba at likod ng entablado. From trouble shooting habang nakasalang ang banda hanggang sa pakikipagusap sa production team at pasikot sikot sa pag lock ng deals.

Yung technical problems laging nangangalabit every gig. 2 out of 10 gigs lang yung smooth sailing lahat at walang nagii-stall na kung ano man. Pero lagi naman nalulunasan. Nahasa na din from Plan B to E.

Pinakamasayang experience lagi kapag out of town gigs. Mas nakikilala mo ang bawat miyembro ng pamilya. At laging all out sa food trip!

Pinaka favorite part ko sa pag roadie eh pagkatapos ng set na at habang nagppack up. Next na dun kasi pwede na mag shot at pumarty pag nasecure na yung mga gamit sa tsikot. Lalo na pag maganda yung labas ng tunog at feedback ng tao sa inyo, nakakataba ng puso. Mapapabulong ka nalang ng “Lakas no? Kami yan eh. Hihihi.”


By Niña Sandejas
Niña Sandejas is an award-winning music photographer whose work has appeared here and abroad. She was included in Preview magazine's 2011 Creative It List and was named in early 2012 as one of 14 Women Who Rock by Rogue magazine . Follow her on Facebook, Twitter, and Instagram @rosarioko.